5 KATAO, TIMBOG SA PAGSUSUGAL SA CAGAYAN

31
Cauayan City, Isabela- Arestado ang limang (5) indibidwal dahil sa kanilang pagsusugal sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Alannay, Lasam Cagayan.

Batay sa ulat ng PNP Lasam, nakilala ang mga nahuli na sina alyas “Dante”, 38 anyos, magsasaka at residente Barangay Dibaliw, Claveria, Cagayan; alyas “Roman”, 44 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Alannay, Lasam, Cagayan; alyas “Rico”, driver at residente ng Barangay Mahabang Parang, Angono, Rizal; alyas “Noemi”, 31 anyos at residente ng Barangay Alannay, Lasam, Cagayan; at si alyas “Jeffrey”, 45 anyos driver at residente ng Barangay Lasam, Cagayan.

Nadakip ang mga suspek matapos silang maaktuhan ng intel operatives ng pulisya na naglalaro ng card game na (9-9).

Nakumpiska sa pinangyarihan ng insidente ang isang (1) set ng baraha at bet money na nagkakahalaga ng Php 14,941.00 na may iba’t-ibang dominasyon.

Ang limang suspek na nasa kustodiya ng pulisya ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD No. 1602 o illegal gambling.

Facebook Comments