Bilang ng mga pinoy na nakararanas ng gutom, bumaba sa 2.9 million nitong Hunyo – SWS

Bumaba sa 2.9 million o 11.6 percent ang bilang ng mga Pilipinong nakararanas ng gutom sa ikalawang bahagi ng 2022, batay sa survey ng Social Weather Stations noong June 26 hanggang 29.

Mas mababa ito kumpara sa 3.1 million o 12.2 percent na naitala sa unang quarter ng taon.

Mababa rin ito ng 0.2 percent kumpara sa 11.8 percent na katumbas ng tatlong milyon noong Disyembre ng nakaraang taon.


Samantala, mas mataas naman ito kumpara sa 10 percent o 2.5 million na naitala noong Setyembre 2021, at mas mataas din kumpara sa 9.3 percent na kabuuang datos noong 2019.

Facebook Comments