50 libong manok, namatay matapos masunog ang isang poultry farm sa Balanga, Bataan

338

Sumiklab ang isang sunog sa isang poultry farm sa Balanga, Bataan noong Sabado.

Nagresulta ito sa pagkakasawi ng aabot sa 50,000 broiler chicken at 500 sako ng patuka na tinatayang nasa higit 37 milyong piso ang halaga ng pinsala.

Ayon sa may-ari ng poultry farm na si Elvira Tamayo, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng poultry farm pero aniya hindi nila tukoy kung ano ang mitsa nito.


Dagdag pa nito, nakatakdang anihin na sana ang mga naturang manok sa susunod na 10 hanggang 15 araw.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang lugar at nakatakdang maglabas ng detalye hinggil sa nangyaring sunog.

Facebook Comments