5,000 pulis, magbabantay sa SONA ng Pangulo

Magpapatupad ng maximum tolerance ang Philippine National Police (PNP) sa ikakasang kilos protesta ng mga militanteng grupo sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar, hindi mag-dadala ng armas ang mga pulis na itatalaga para magbantay sa mga kilos protesta.

Katulad rin aniya ng mga nakagawian, hindi sila maglalagay ng mga harang gaya ng barbed wire at container van.


Sabi pa ni Eleazar, nakahanda rin silang makipagdayalogo sa mga militante para sa kanilang inilalatag na mga kilos protesta.

Facebook Comments