Nananatiling non-operational ang 56 na mga pantalan sa ilang rehiyon sa bansa.
Ito ay bunsod pa rin ng epekto ng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) pinaka-maraming tigil operasyon na mga pier ay sa Region 7 na 26, sinundan ng CALABARZON 13, 6 mula sa Region 6, 4 sa MIMAROPA, 3 sa Region 8, 2 mula sa Region 11 at tig isa mula sa Region 9 at NCR.
Dahil dito, stranded pa rin ang 2,911 na mga pasahero.
Hindi rin muna pinayagang makapaglayag ang 542 rolling cargoes, 98 vessles at 9 na motorbancas.
Kasunod nito, paalala ng NDRRMC sa mga byahero na makipag-ugnayan muna sa pamunuan ng mga pantalan upang hindi na magtungo pa sa pier kung kanselado ang inyong mga byahe.
Facebook Comments