58-ANYOS NA LALAKI, ARESTADO SA NUEVA VIZCAYA

CAUAYAN CITY – Naaresto ng kapulisan ng Dupax Del Norte Police Station ang isang lalaki sa bisa ng warrant of arrest sa Barangay Bulala, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si alyas “Long”, 58-anyos, isang magsasaka, residente ng Purok Maligaya Brgy. Inaban ng nabanggit na bayan, at tinagurian bilang Top 8 Regional Most Wanted Person.

Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Eric Banasan, noong ika-19 ng Pebrero taong kasalukuyan para sa kasong Sexual Assault in relation to 7610 as amended by RA 11648 kung saan ay may piyansa itong Php 180,000 at pitong (7) bilang ng kasong Qualified Rape of a Minor as amended by RA 11648 kung saan ay walang piyansang inirekomenda.


Matapos ang operasyon ay dinala sa himpilan ng pulisya si alyas “Long” para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa korte.

Facebook Comments