HIGIT 200 INDIBIDWAL, BENEPISYARYO NG LIBRENG OPERASYON SA ECHAGUE

CAUAYAN CITY- Matagumpay na naisagawa ang programang Medical Mission: Libreng Operasyon para sa Lahat sa bayan ng Echague, Isabela.

Sa ilalim ng inisyatiba, naisakatuparan ang 65 major surgeries at 178 minor surgeries, na nakapagbigay ng libreng medikal na tulong sa kabuuang 243 pasyente mula sa Echague at mga karatig-bayan.

Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Echague ang programa, katuwang ang Provincial Government of Isabela, Adventist Medical Center, US Doctors, at mga volunteer nurses.

Samantala, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si 6th District Congressman Faustino “Inno” Dy V sa lahat ng nagbigay ng suporta, tumulong, at naglaan ng oras upang maisakatuparan ang layuning mapabuti ang kalusugan ng mga mamamayan.

Facebook Comments