
Isasailalim sa auction ang 5,000 metric tons hanggang 20,000 metric tons ng milled rice na 12 buwan o isang taon nang nakaimbak sa mga warehouse.
Ito ang paraan ng National Food Authority (NFA) para bigyang-daan o espasyo ang mga bagong ani, mapalakas ang cash flow, at maiwasan ang pagkasira ng produkto.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, uunahin nilang i-auction ang mga stock na luma o matagal na.
Isasagawa ang aktibidad sa Mayo, habang patuloy na rin ang pagsasapinal ng NFA sa pricing mechanism, pero posible umanong maibenta ito sa floor price na ₱22 hanggang ₱28 kada kilo.
Facebook Comments










