Friday, April 17, 2026

10 miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group, patay sa engkwentro sa Lanao del Sur

Patay ang 10 miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group sa isinagawang operasyon ng militar sa Brgy. Banga-Pantar, Marantao, Lanao del Sur ngayong umaga.

Kabilang sa mga nasawi ang isang senior leader ng nasabing grupo na umano’y sangkot sa mga karahasan sa rehiyon, kabilang ang ambush sa mga tropa sa Lanao del Norte na nagresulta sa pagkasawi ng apat na sundalo at pagkasugat ng isang personnel.

Narekober sa lugar ang limang baril, isang granada, at mga improvised explosive device (IED).

Bukod dito, nasagip din ang isang sugatang sanggol na nasa isang taong gulang na agad binigyan ng atensyong medikal.

Kaugnay nito, wala namang nasawi sa panig ng militar.

Facebook Comments