Friday, April 17, 2026

DOE, naghigpit ng monitoring sa power supply kasunod ng yellow alert sa Luzon at Visayas

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) ang mahigpit na pagbabantay sa suplay ng kuryente sa buong bansa kasunod ng yellow alert status na itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines sa Luzon at Visayas grid kahapon dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Ayon kay Sharon Garin, nagpatupad na ang ahensya ng mga hakbang upang mapanatili ang stability ng power system at maiwasan ang anumang posibleng disruption sa suplay ng kuryente.

Inatasan na rin ng DOE ang NGCP, mga generation companies, at system operators na pabilisin ang pagkukumpuni ng mga apektadong power plants na nagdulot ng kakulangan sa suplay.

Nauna rito, pinakilos din ng DOE ang LNGPH consortium—binubuo ng San Miguel Global Power, AboitizPower, at Meralco PowerGen—kasama ang iba pang stakeholders, upang agad na maisagawa ang restoration ng mga planta sa Luzon at Visayas.

Layunin ng mga hakbang na ito na mapatatag ang suplay ng kuryente at maiwasan ang epekto nito sa mga konsyumer.

Facebook Comments