Friday, April 17, 2026

Grupong KARAPATAN, kinondena ang sunod-sunod na kaso ng pag-aresto at demolisyon

Kinalampag ng human rights alliance na KARAPATAN ang tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa matindi at sunod-sunod na pag-aresto, maging ang demolisyon at mga polisiyang kontra-mahirap na ipinatutupad sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa.

Kinokondena ng grupo ang maramihang pag-aresto sa mga maralita sa mga komunidad sa ilalim ng “Safer Cities” initiative ng DILG, maging ang demolisyon sa NIA Road sa Quezon City, Panday Creek sa Taguig, at iba pang insidente ng demolisyon sa Metro Manila at iba pang lugar na dahilan ng pag-alis ng mga residente nang walang sapat na relokasyon.

Mariing panawagan ng grupo ang palayain sina Josephine Porquia ng Panay; Dr. Ana Marie Rilloraza, Marc Mendiola, at lima pang iba sa Tarlac; at cultural worker na si Charlize Garzon sa Mindoro.

Dagdag pa rito, mariin ding inihayag ng grupo na huwag nang bigyan ng pondo at buwagin na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Facebook Comments