
Walang asahang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang May 10.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque, ito ay mula sa dating petsa na April 30.
Aniya, ang “no price increase” ay pinalawig matapos mangako ang mga manufacturer na hindi sila hihirit ng pagtaas sa presyo ng mga prime commodities at basic necessities.
Lumalabas din sa monitoring ng DTI sa isang grocery store sa Cupang, Muntinlupa City na mas mababa pa ang presyo nito kumpara sa presyong itinakda ng DTI.
Siniguro rin ni Roque na sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin kaya walang dahilan ang publiko na mag-panic buying.
Facebook Comments










