6 NA BAYAN SA ISABELA, NAKAPAGTALA NG PANIBAGONG KASO NG COVID-19

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng karagdagang kaso ng COVID-19 ang anim na mga bayan at Siyudad sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa inilabas na datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Marso 2, 2022, nakapagtala ng tig-isang bagong kaso ang mga bayan ng Cabagan, Cordon at San Mateo at tig-dalawang panibagong kaso naman sa mga bayan ng Quirino, Ramon at Lungsod ng Santiago.

Sa kabila ng siyam na naitalang karagdagang kaso ay bumaba pa rin sa animnaput anim ang bilang ng aktibong kaso sa probinsya.

Nasa siyam (9) na mga bayan na lang din sa Isabela ang COVID-19 free na kinabibilangan ng mga bayan ng Aurora, Benito Soliven, Dinapigue, Divilacan, Luna, Maconacon, Quezon, Sto Tomas at Tumauini.

Facebook Comments