Mga tawag na tinatanggap ng One Hospital Command, wala nang kinalaman sa COVID-19

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na tumatanggap pa rin ng mga tawag ang One Hospital Command Center (OHCC).

Gayunman, nilinaw ng DOH na karamihan sa mga tawag na tinatanggap ngayon ng OHCC ay wala nang kinalaman sa COVID-19.

Iginiit din ng DOH na consistent ang pagbaba ngayon ng COVID transmission.


Marahil aniya ito ay dahil alam na ng publiko kung paano protektahan ang kanilang sarili laban sa COVID-19.

Tinukoy ni Health Usec. Leopoldo Vega na ang kaso ng infection sa Metro Manila ay patuloy na bumababa.

Sa katunayan aniya, negative na growth rate ng infection sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na dalawang linggo.

Facebook Comments