60 bayan sa Cagayan Valley, Apektado ng ASF; Higit 42,000 na Baboy, Isinailalim sa Culling

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 60 munisipalidad ang apektado ngayon ng 2nd wave ng African Swine Fever sa buong lambak ng Cagayan.

Ito ang inilabas na datos ng Department of Agriculture (DA) Region 2 as of February 2,2021.

Sa nasabing bilang ng mga apektadong bayan, 519 na barangay naman ang naapektuhan ng pagkalat ng sakit ng baboy sa buong rehiyon at may pinakamalaking bilang ang naitala ng Isabela na pumalo sa 390 o 75 percent.


Sa data breakdown ng ahensya, nangunguna pa rin ang Isabela na maraming bayan ang apektado ng ASF na umabot sa 32 (53.33%), sinundan ng Nueva Vizcaya na mayroong 12 (20%); Cagayan na may 10 (16.67%) at panghuli ang Quirino Province na may anim (6) o 10 percent.

Dahil dito, apektado ngayon ang nasa 7,015 na magsasaka sa buong Cagayan Valley at sa Isabela pa rin ang pinakaapektadong mga magsasaka na umabot sa 4,846.

Samantala, umaabot na sa 42,165 ang mga baboy na isinailalim sa culling at sa nasabing bilang 31,669 na baboy ang mula sa Isabela.

Sa ngayon, tanging lalawigan ng Batanes ang ASF-FREE ayon sa DA-region 2

Facebook Comments