60,000 BANGUS FRY, IPINAMAHAGI SA MGA MAGBABANGUS SA PANGASINAN

Ipinagkaloob ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Ilocos Region ang 60,000 piraso ng bangus fry sa Samahang Magbabangus ng Pangasinan o SAMAPA, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na suporta sa aquaculture at kabuhayan ng mga mangingisda sa rehiyon.

Ayon sa BFAR, hindi lamang dagdag produksyon ang layunin ng programa, kundi mas matatag na kita para sa mga fish farmer at sapat na suplay ng bangus sa merkado sa mga susunod na buwan.

Ang mga bangus fry ay mula sa itlog na ibinigay ng Feedmix Incorporated sa ilalim ng Hatchery Tulungan initiative, isang pagtutulungan ng pribado at pampublikong sektor para palakasin ang industriya ng pangingisda.

Tiniyak naman ng BFAR na magpapatuloy ang mga ganitong programa upang mapalakas ang food security at higit na matulungan ang mga komunidad sa baybayin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments