Umabot nasa animnaput-isa katao ang nahuli ng Task Force on Smoking Ban sa Cotabato city na pinangunahan ng City Public Cafety office kasama ang Traffic Management Center at Cotabato City Police Office. Ayon kay Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi, na araw-arawin na nang Task Force ang pag-ikot sa apat na sulok ng siyudad upang hulihin ang mga pasaway na naninigarilyo sa pampublikong lugar. Sa first offence ay pagbabayarin ng 500 pesos ang mga violators o pwede rin magcommunity service, sa second offence ay 5000 pesos na ang penalty habang 10,000 sa third offence. Upang makaiwas na mahuli ng TaskForce ay dapat umanong sundin ang Tobacco Regulation Odrinance ng siyudad.Hangad ni Mayor Cyn na maging Smoke Free ang lungsod kung kayat iwasan na ang paninigarilyo.
61 katao huli sa Smoking Ban sa lungsod
Facebook Comments