Isinailalim sa acceptance testing ang isang shredder machine na ipinagkaloob ng Department of Agriculture sa Mangaldan Bantayan Farmers Association Inc. noong Martes, Mayo 5, sa Brgy. Bantayan, bilang bahagi ng protocol makalipas ang isang buwan mula nang maipamahagi ang kagamitan.
Sa isinagawang testing, umabot sa 750 kilo ng young coconut husks o bunot ang naproseso gamit ang naturang makina upang masuri ang kakayahan at kalidad nito bago tuluyang magamit ng asosasyon.
Matatandaang ipinagkaloob ang shredder machine sa asosasyon noong Abril, at ang acceptance testing ay bahagi ng proseso upang matiyak ang maayos nitong operasyon at benepisyo sa sektor ng agrikultura.
Hinihikayat ang iba pang mga asosasyon at kooperatiba na makipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office upang malaman ang mga kinakailangang proseso at requirements para sa mga kahalintulad na tulong makinarya mula sa ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








