Friday, June 19, 2026

24 Pinoy na halos siyam na buwang nakakulong sa Russia, palalayain na — PBBM

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palalayain na ang 24 na Pilipinong halos siyam na buwang nakakulong sa Irkutsk, Siberia dahil sa problema sa immigration.

Ayon sa pangulo, personal niyang inilapit kay Russian President Vladimir Putin ang kalagayan ng mga Pinoy sa kanilang bilateral meeting sa Kazan.

Nagulat aniya si President Putin nang malaman ang sitwasyon, lalo’t wala namang kasong isinampa laban sa mga Pilipino ngunit nanatili silang nakakulong nang matagal.

Matapos suriin ng mga awtoridad ng Russia ang kaso, iniutos na ang kanilang pagpapalaya at isasailalim na lamang sila sa deportation process upang makabalik sa Pilipinas.

Dagdag ng pangulo, inalok pa umano ng Russia ang 24 na Pilipino na manatili at legal na magtrabaho sa bansa, ngunit mas pinili ng mga ito na umuwi at makapiling ang kanilang mga pamilya.

Facebook Comments