
Inaresto ng mga tauhan ng Bugallon Municipal Police Station, ang Top 2 municipal level wanted person noong Hunyo 19, 2026.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape (2 counts) na walang inirekomendang piyansa.
Ang naturang warrant ay inilabas ni Hon. Maria Laarni Ramos Parayno, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 68 sa Lingayen, Pangasinan.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bugallon Municipal Police Station ang naarestong suspek para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










