Sunday, July 26, 2026

Mga testigo ng House prosecution panel sa Impeachment trial, umakyat na sa 57

Umakyat na sa 57 ang dating halos 30 mga testigong nais iprisinta ng House prosecution panel sa Impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, inilinya na nila lahat ng mga testigo na pwede nilang iharap sa paglilitis.

Paliwanag ni Luistro, ito ay bahagi ng pagiging maingat at sigurista nila sa harap ng panuntunan na ang mga testigo at exhibits na hindi namarkahan sa pre-trial conference ay hindi maaaring iprisinta sa trial proper.

Nilinaw naman ni Luistro, na kanilang isasapinal pa kung ang lahat ng 57 mga testigo ay aktwal na ipiprisinta sa witness stand sa paglilitis na magsisimula sa July 6.

Binanggit ni Luistro na sa apat na Articles of Impeachment ang mga may pinakamaraming testigo ay ang alegasyon na maling paggamit ni VP Sara ng confidential funds dahil sa dami ng supporting documents na pagtitibayin ng kanilang mga testigo.

Facebook Comments