FLOOD ALARM SYSTEM, ITATAYO SA MGA BARANGAY NA MADALAS BAHAIN SA BAUTISTA

Nakatakdang maglagay ng flood early warning alarm system ang National Power Corporation (NAPOCOR) sa Bautista, Pangasinan para sa mga barangay na malapit sa Agno River.

Ito ay matapos ang isinagawang inspeksyon sa mga strategic areas na posibleng paglalagyan ng Agno Flood Early Warning Alarm System units sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Kabilang umano sa mga prayoridad na lugar ang mga barangay ng Diaz, Vacante, Palisoc, at Pogo na madalas maapektuhan ng pagtaas ng lebel ng tubig sa Agno River, maging kapag nagpapakawala ng tubig ang San Roque Dam.

Ayon sa MDRRMO, inaasahang mas mapapabilis ang pagbibigay ng babala sa mga residente sa panganib na dulot ng biglaang pagbaha sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments