8 pang transmission lines ng NGCP, naibalik na sa operasyon

Nadagdagan pa ang bilang ng mga transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na naibalik na sa normal na operasyon matapos mapinsala ng Super Typhoon Uwan.

Ayon sa NGCP, walo pang 69kV line ang naibalik ang operasyon sa Luzon grid.

Nasa 18 69kV line naman ang nananatiling unavailable sa Luzon at isa sa Visayas.

Habang walong 230kV lines pa rin ang unavailable.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang restoration activities ng mga line crew ng NGCP sa mga lugar na puwede nang accessible.

Facebook Comments