80% ng lugar sa bansa, maaaring isailalim na sa MGCQ simula sa July 16

Posibleng madagdagan pa ang mga lugar na luluwag ang ipinatutupad na community quarantine simula sa July 16, 2020.

Ito ang kinumpirma ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana na siya ring pinuno ng Task Force on COVID-19.

Ayon sa kalihim, posibleng umabot sa 80% ang mga lugar sa bansa na isasailalim na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).


Layunin aniya nito ay upang mabuhay o sumigla uli ang ekomiya sa ibang lugar.

Pero, sinabi ng kalihim na ang pagluwag sa quarantine measures ay nakadepende sa datos ng COVID-19 cases na magmumula sa Department of Health (DOH).

Sa ngayon, nananatili pa rin sa GCQ ang Metro Manila at CALABARZON kung saan maraming malalaking establisyemento.

Facebook Comments