Naaresto ang kabuuang 88 indibidwal sa iba’t ibang operasyon ng Pangasinan Police Provincial Office sa loob ng isang linggong pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad sa buong lalawigan mula Marso 9 hanggang 15, 2026.
Batay sa ulat ng pulisya, kabilang sa mga naaresto ang 26 na katao na nasangkot umano sa ilegal na droga matapos magsagawa ng 18 anti-illegal drug operations.
Nakumpiska sa mga operasyon ang nasa 167 gramo ng hinihinalang shabu at 19 gramo ng tuyong marijuana na may tinatayang standard drug price na ₱1,139,476.
Sa kampanya laban sa mga wanted persons, umabot naman sa 55 indibidwal ang naaresto, kabilang ang 13 most wanted persons at 42 iba pang mga pugante sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.
Samantala, tatlong katao ang naaresto sa isinagawang tatlong operasyon laban sa loose firearms.
Dalawang baril ang nakumpiska sa mga operasyon, dalawa ang idineposito sa awtoridad, at isa naman ang boluntaryong isinuko.
Bukod dito, apat na indibidwal ang naaresto sa tatlong anti-illegal gambling operations kung saan nasamsam ang ₱4,540 na hinihinalang ginamit sa ilegal na pagsusugal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







