Tuesday, June 23, 2026

Ex-ADMU coach Baldwin, dumating na sa NBI

Bago mag-alas dos ng hapon dumating sa National Bureau of Investigation (NBI) si resigned Ateneo de Manila basketball coach Tab Baldwin.

Kasama ni Baldwin na dumating sa NBI ang kanyang mga abogado.

Tumanggi naman si Baldwin na magbigay ng pahayag sa media.

Si Baldwin ay unang pinadalhan ng subpoena ng NBI para magbigay linaw sa pagkamatay ng dalawang Ateneo student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Sa ngayon ay nasa loob pa rin ng tanggapan ng NBI Homicide Division si Baldwin.

Facebook Comments