Wednesday, June 17, 2026

92 na mga puganteng may mga kasong may kaugnayan sa sexual offenses at VAWC cases, naaresto ng PNP-CIDG nitong kalahating buwan ng Hunyo

Naaresto ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 92 na mga puganteng humaharap sa kasong may kaugnayan sa rape, sexual abuse, child abuse, at Violence Against Women and their Children (VAWC) sa isinagawang operasyon sa buong bansa simula June 1 hanggang 15.

Sa datos ng CIDG, 42 sa mga naaresto ay mula sa Luzon, 14 ang mula sa Visayas at 36 ang mula naman sa Mindanao.

Sa nasabing tala, 30 ang nakalista bilang Regional Most Wanted Persons, 29 ang Provincial Most Wanted Persons at 7 ang City o Municipal Most Wanted Persons.

Kaugnay nito, 53 sa mga naarestong indibidwal ay walang rekomendang piyansa mula sa kanilang mga kaso.

Samantala, isa sa mga mahalagang kinalabasan ng mga operasyon ay ang pagkakaaresto sa National Most Wanted Person sa Quezon Province para sa kasong qualified rape of a minor na may reward na ₱150,000.

Facebook Comments