Friday, June 19, 2026

Umano’y pabago-bagong pahayag ng House prosecutors sa VP Sara impeachment, pinuna ni Atty. Topacio

Pinuna ng Partido Demokratiko Pilipino ang pahayag ng House impeachment prosecutors kaugnay sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Deputy Spokesperson ng partido na si Atty. Ferdinand Topacio, tila magkasalungat at katawa-tawa umano ang naging pahayag ni House prosecutor Rep. Joel Chua na kumpiyansa sila sa lakas ng apat na Articles of Impeachment.

Ito ay dahil sinabi rin kalaunan ng kongresista na nakadepende pa rin ang magiging resulta ng paglilitis sa magiging presiding officer ng impeachment court.

Ayon kay Topacio, kung tunay na matibay ang kaso ng prosekusyon ay hindi na dapat mahalaga kung sino ang mamumuno sa paglilitis.

Pinangangambahan din nila ang umano’y posibilidad ng patuloy na pakikialam ng ehekutibo sa Senado kasunod ng mga naging usapin sa pamunuan ng mataas na kapulungan.

Ayon kay Topacio, hindi sapat ang kumpiyansa lamang para manalo sa isang kaso at dapat pagtuunan na lamang ng mga prosecutor ang paglilitis sa halip na sa mga public statement.

Kahapon umarangkada ang unang araw ng pre-trial conference sa impeachment case laban kay Duterte.

Facebook Comments