
Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang anim na karagdagang baril ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa matapos itong boluntaryong iturn-over kahapon.
Ito ay kasunod ng revocation ng kanyang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at firearm registrations.
Natanggap ng mga personnel mula sa PNP Firearms and Explosives Office at the Regional Civil Security Unit 4A sa koordinasyon sa lokal na pulisya ang nasabing mga baril mula sa legal representative ng senador sa kanyang bahay sa Silang, Cavite .
Sa ngayon, nasa kabuuang 26 na ang na-surrender ng kampo ng senador mula sa paunang 20 mga baril na isinuko nito noong June 11.
Nabatid na nasa 117 na mga baril na naka-rehistro sa senador ang ni-revoke sa kanya ng PNP Firearms and Explosives Office dahil sa warrant of arrest nito mula sa International Criminal Court (ICC).
Sa ngayon, 91 na lamang ang hindi pa naisusuko ng nasabing senador.










