Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon, nanatili sa Marawi City ayon sa Militar

Manila, Philippines – Nanatili pa rin sa Marawi City si Abu Sayyaf Group Leader Isnilon Hapilon .

Ito ang pagtiyak ni AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo sa harap na rin ng nagpapatuloy na gyera sa Marawi City.

Aniya good news para sa lahat ang pananatili ni Isnilon Hapilon sa Marawi City.


Ito ay dahil sa patuloy na sagupaan at pagkasira ng halos buong Marawi dahil sa giyera ay alam nilang nasa loob pa rin ng Marawi ang kanilang tinutugis na si Isnilon Hapilon.

Umaasa na lamang ngayon ang AFP na madakip ang teroristang lider upang hindi na maipagpatuloy pa ang kanyang terrorist activity sa bansa.

Una nang sinabi ng AFP na nagresulta ang sagupaan sa ng Maute terrorist group at Militar sa Marawi City dahil sa ginagawang pagtugis kay ASG Leader Isnilon Hapilon sa lungsod.

Facebook Comments