Tuesday, May 5, 2026

Ka Eric Celiz, nagpiyansa na rin sa Pasay RTC kaugnay ng kasong cybercrime na isinampa ng NBI

Kinumpirma ni Atty. Mark Tolentino na nakapaghain na rin ng piyansa sa Pasay Regional Trial Court (RTC) ang isa pa niyang kliyente na si Ka Eric Celiz.

Ayon kay Atty. Tolentino, naglagak ng ₱36,000 na piyansa si Celiz sa kasong unlawful publication in relation to cybercrime, sa Pasay City RTC Branch 119.

Ang naturang kaso ay isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng sinasabing post ni Celiz tungkol sa kalusugan ng Pangulong Bongbong Marcos.

Bunga nito, sinabi ni Atty. Tolentino na walang ligal na basehan para arestuhin si Celiz.

Una nang nakalaya kahapon si Jay Sonza matapos na magpiyansa sa kaparehong kaso.

Facebook Comments