
Kinikilala ng Presidential Communications Office (PCO) ang mahalagang papel ng media sa pagpapaliwanag sa buong mundo ng kahalagahan ng 48th ASEAN Summit.
Ayon kay PCO Secretary Dave Gomez, malaking bahagi ang gagampanan ng media sa paghahatid ng mga usapin at kasunduang tatalakayin ng mga lider ng ASEAN, lalo na sa regional peace and security, ekonomiya, at sustainable development.
Tiniyak din ni Gomez ang suporta ng PCO para mapadali ang coverage ng mga mamamahayag at maihatid sa publiko ang napapanahon at balanseng impormasyon.
Nagpasalamat din ang kalihim sa media at sinabing mahalaga ang kanilang papel sa pagpapalaganap ng mensahe ng pagkakaisa at kaunlaran mula sa ASEAN Summit.
Facebook Comments










