Friday, May 8, 2026

Paniningil ng Green Energy Auction Allowance para sa billing periods ng Mayo at Hunyo, pinatigil ng ERC

Pansamantalang ipinatigil ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang paniningil ng Green Energy Auction Allowance (GEA-All) para sa billing periods ng Mayo at Hunyo 2026.

Layon nito na mabawasan ang dagdag na bayarin ng consumers ng kuryente sa harap ng patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin sa bansa.

Ayon sa ERC, hindi muna kokolektahin ang GEA-All rate na ₱0.0371 kada kilowatt-hour para sa lahat ng electricity consumers sa bansa.

Sakop ng suspensyon ang Distribution Utilities (DUs), Retail Electricity Suppliers (RES), at ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Facebook Comments