Thursday, May 7, 2026

Habang buhay na pagbabawal kay VP Duterte na kumandidato o magkaroon ng pwesto sa gobyerno, iginiit ng House Committee on Justice

Isinusulong ng House Committee on Justice na habangbuhay na pagbawalan si Vice President Sara Duterte na kumandidato at magkaroon ng pwesto sa gobyerno.

Laman ito ng Committee Report 261, resolution at Articles of Impeachment na isinumite ng House Justice Panel sa plenaryo ng Kamara at pagbobotohan ng lahat ng 318 kongresista sa Lunes, May 11.

Nakapaloob din sa Committee Report na maisailalim sa paglilitis at maparusahan si VP Sara alinsunod sa itinatakda ng batas.

Pangunahin din sa hiling ng House Justice Committee na ideklara ng Senate Impeachment Court si VP Sara na guilty sa apat na articles of impeachment.

kinabibilangan ito ng:
1. maling paggamit o pag-abuso sa confidential funds;
2. hindi maipaliwanag na yaman;
3. Bribery, and graft and corruption partikular sa Department of Education (DepEd) na dating pinamunuan ni Duterte;
4. pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Batay sa 93-pahinang committee report, ang mga alegasyon laban kay VP Sara ay pasok sa culpable violation of the Constitution, graft and corruption, betrayal of public trust, bribery at iba pang high crimes.

Facebook Comments