ACCOMPLISHED PROJECTS AND PROGRAMS, IBINIDA NI MAYOR SHEENA TAN SA KANYANG SOCA

CAUAYAN CITY- Ipinahayag ni City Mayor Atty. Alyssa Sheena Tan ang mga naisakatuparang proyekto at programa sa ilalim ng kanyang pamumuno sa isinagawang State of the City Address 2025 kahapon, ika-23 ng Pebrero.

Isa sa mga pangunahing tagumpay ng kanyang administrasyon ay ang pagbibigay ng kabuhayan sa mga Santiagueño, na nagresulta sa pagbaba ng unemployment rate mula 6% noong 2022 tungo sa 4% nitong 2024.

Ipinagmalaki rin ni Mayor Tan na tatlong beses nang pinarangalan ang Lungsod ng Santiago ng Seal of Good Local Governance mula nang siya ay maupo bilang Punong Lungsod.

Bukod dito, nakatanggap ang lungsod ng kabuuang 67 parangal mula sa antas pambansa, panrehiyon, at panlalawigan.

Marami ring Santiagueño ang nakinabang sa iba’t ibang programa sa sektor ng agrikultura, kabuhayan, at edukasyon.

Samantala, opisyal nang bukas sa publiko ang Santiago City Hemodialysis Center at ang walong-palapag na health recovery facility, na inaasahang magbibigay ng mas malawak at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa mga residente.

Facebook Comments