
CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos maaresto ng mga otoridad sa pagbebenta ng iligal na droga sa Purok 4 Brgy. Nagassican, Santiago City.
Kinilala ang suspek na si alyas “Pedring”, nasa wastong edad, at residente ng Purok 3, Brgy. Mabini, Santiago City.
Narekober sa pag-iingat ng suspek ang ibinentang iligal na droga na may timbang na 1.4 grams at nagkakahalaga ng P9,520, buy-bust money at cellphone.
Dinala ang suspek sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Samantala, mahaharap ang akusado sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments