Tuesday, January 20, 2026

Accreditation ng mass media entities, election observers at civil society partners para sa overseas voting, hanggang bukas na lang

Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na hanggang bukas, April 5 na lamang tatanggap ang mga embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa ng aplikasyon para sa accreditation ng Mass Media Entities, Election Observers o Monitors at Civil Society Partners para sa overseas voting sa 2025 National Elections.

Ang kailangan lamang gawin ay personal na magpasa ng aplikasyon sa mga embahada o ‘di kaya ay magpadala sa email.

Sa April 13 naman magsisimula ang online voting ng mga rehistradong Pilipino sa abroad.

Tatagal ang online overseas voting sa May 12 o mismong araw ng halalan sa Pilipinas.

Facebook Comments