Gobyerno, pinaghahanda sa epekto ng 17% tariff na ipapataw ng US sa Philippine exports

Hinimok ni Senate President Chiz Escudero ang mga economic manager na maghanda at magplano ng mga contingency para tugunan ang ipapataw na 17% ni US President Donald Trump sa mga iniluluwas na produkto sa bansa.

Ito ay para maibsan ang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ng ipapataw na dagdag na buwis sa mga produktong ine-export ng bansa sa Estados Unidos.

Ipinunto ni Escudero na mahalagang malaman kung papaanong uusad ang bansa gayundin kung anong posibleng pakinabang, mawawala o gaano kalakas ang impact nito sa katatagan ng ating ekonomiya.

Hiniling ni Escudero na ang unang dapat na gawin ng gobyerno ay linawin ang isyung ito pero pinag-iingat din ang pamahalaan sa magiging tugon ng bansa lalo na sa mga ini-import na produkto naman mula US dahil anumang pagtataas sa buwis ay makaaapekto sa ating mga kababayan.

Tiwala naman ang senador na ikinonsidera na ito ng ating mga economic manager at inaaksyunan na kung papaano maitataas ang gain at maibababa ang negatibong epekto nito sa bansa.

Facebook Comments