Wednesday, May 20, 2026

PNP-CIDG, nagsilbi ng panibagong subpoena sa senado

Isinilbi ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang panibagong subpoena sa Senado para sa imbestigasyon nito sa nangyaring shooting incident sa Senado noong May 13.

Ngayong umaga pinahaharap sa CIDG si OIC Sergeant-at-Arms Manuel Parlade, gayundin ang cctv operator at iba pang tauhan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA).

Bago ito ay naunang ipinasubpoena at humarap na sa CIDG sina dating Senate Secretary Mark Llandro Mendoza, suspended Senate-Sergeant-At-Arms Mao Aplasca at ilan sa OSAA personnel.

Hindi naman na nagbigay ng detalye ang CIDG tungkol sa imbestigasyon.

Matatandaang sinuspinde ng anim na buwan without pay ng Ombudsman si Aplasca habang patuloy pa ang fact-finding investigation sa nangyaring barilan sa Senado at pansamantalang humalili rito ang Director III ng OSAA na si Parlade.

Facebook Comments