
Nagpaalala ang Malacañang sa mga senador na tatayong hukom sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na pairalin ang pananagutan at huwag hayaang makaiwas sa batas ang mga dapat managot.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi hinuhusgahan ng Palasyo ang kredibilidad ng Senado kahit may ilang senador na nahaharap sa mga kaso sa Ombudsman, Sandiganbayan, at International Criminal Court (ICC).
Binigyang diin din ng Palasyo na ang dapat manaig sa impeachment proceedings ay ang batas at Konstitusyon, hindi pansariling interes.
Nasa Senado rin ang mandato sa pagdaraos ng impeachment trial kaya hindi dapat mangialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil umiiral ang separation of powers.
Facebook Comments










