
Suportado ng Armed Forces of the Philippines ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi dapat nakikipag-away ang gobyerno at opisyal nito sa ibang bansa.
Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ito naman ang ginagawa ng pamahalaan at bawat ahensya nito.
Binigyang -diin nito na tumatayo lamang ang AFP sa karapatan nito sa karagatan ng bansa dahil ito ay kanila lamang mandato kasama ng Department of National Defense (DND).
Kasabay ng pag-giit na wala namang inaangkin ang Pilipinas na hindi nito pagmamay-ari kaya hindi masasabing nagpapasimuno ito ng gulo.
Tugon ito ng AFP kasunod ng pahayag ni VP Sara sa Hong Kong na dapat iwasan ng mga opisyal ng pamahalaan ang pakikipag-away sa ibang bansa kabilang ang China, sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea.










