
Inirekomenda ni Senator Kiko Pangilinan kay Pangulong Bongbong Marcos ang paglikha ng online public dashboard para masubaybayan ang pondong nakalaan para pantugon sa Super El Niño.
Nanawagan si Pangilinan na Chairman ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform kay Pangulong Marcos na bigyang direktiba ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD) at mga kaukulang ahensiya na panatilihin ang nagiisang magkaka-ugnay na El Niño action plan.
Ang nasabing plano ay naglalaman ng pangalan ng plano, measurable targets at regular na public reporting sa paggamit ng pondo.
Nakasaad din sa online public dashboard ang mga apektadong lugar na nasa state of calamity, available na pondo, mga relief supplies, livelihood assistance, pagpapatupad ng price-control measures, aksyon laban sa hoarding at profiteering gayundin ang pangangalaga sa suplay ng tubig.
Tiwala si Pangilinan na magiging epektibo itong paraan para lubos na mabantayan ang pera ng bayan, matiyak ang pagpapatupad ng mga proyekto at masasawata ang pangaabuso.










