Tuesday, November 10, 2026

DMW Sec. Cacdac, itinanggi ang anomalya sa ₱1.2-B AKSYON Fund

Pinabulaanan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang mga haka-haka ukol sa umano’y katiwalian sa paggamit ng ₱1.2 billion AKSYON Fund na para sa mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs).

‘Misleading’ aniya ang lumalabas na balita na nagdudulot ng nakalilitong konteskto sa publiko matapos linawin ng kalihim na walong porsyento lamang ng kabuuang pondo ang may obserbasyon ng Commission on Audit (COA) at hindi ang buong ₱1.2 billion.

Binigyang-diin din ni Cacdac na nakakuha ang DMW ng ‘unqualified opinion’ mula sa COA, subalit bukas pa rin ang DMW na sundin ang mga payo ng COA upang lalong higpitan ang pamamahagi ng pondo sa mga kababayan sa abroad.

Facebook Comments