Sunday, June 7, 2026

2 miyembro ng Communist Terrorist Group na may kasong may kaugnayan sa murder, arestado sa Surigao del Norte

Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang indibidwal sa magkahiwalay na manhunt operations sa Barangay Quezon, Surigao City, at Barangay Ima, Sison, Surigao del Norte.

Sa bisa ng warrant of arrests naaresto sina alyas “Loy” na nahaharap sa 2 counts ng attempted murder habang si alyas “Jim” naman ay nahaharap sa 2 counts ng murder.

Ang nasabing indibidwal ay aktibong myembro ng komunistang grupo kung saan si alyas “Loy” ay nagsilbi bilang Squad Leader at Commanding Officer ng Squad 1 habang si alyas “Jim” naman ay nagsilbi bilang Political Guide ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 16B.

Sila ay nakalista sa Periodic Status Report ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa 4th Quarter noong 2022 at nakatag silang pareho bilang Municipal Level Most Wanted Persons sa Munisipalidad ng Sison at Mainit.

Facebook Comments