Saturday, May 23, 2026

Agarang pagsasabatas ng Right to Information’ Bill, iginiit ni Rep. Poe

Iginiit ni FPJ Panday Bayanihan Party-list Representative Brian Poe ang pangangailangan na agad maisabatas ang House Bill No. 1187 o Right to Information Bill.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, ay binigyang diin ni Poe ang kahalagahan ng panukala sa pagsusulong ng transparency at pananagutan sa gobyerno.

Matapos maipasa ng Senado ang kanilang bersyon ng Right to Information Bill, ay nanawagan si Poe sa mga kasamahang mambabatas sa Kamara na huwag sayangin ang pagkakataon, lalo pa’t bukas sa ganitong reporma sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Faustino Bodjie Dy III.

Paliwanag ni Poe, magiging epektibo lamang ang transparency kung may sapat na pasilidad at kakayahan ang mga ahensya na maghatid ng impormasyon sa publiko nang mabilis at maayos.

Ayon kay Congressman Poe, ang bawat Pilipino ay may karapatan sa tapat, mabilis, at madaling ma-access na impormasyon mula sa kanilang pamahalaan.

Facebook Comments