Thursday, May 21, 2026

Malacañang, nag-iingat sa mga hakbang kaugnay sa pag-aresto kay Sen. Dela Rosa

Maingat ang Malacañang sa mga gagawing hakbang ng administrasyon kaugnay sa posibleng pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Pahayag ito ni Palace Press Officer Underse cretary Claire Castro matapos batikusin ni dating Senate President Franklin Drilon ang umano’y pagpapasahan ng responsibilidad ng ilang ahensiya ng gobyerno sa usapin.

Iginiit ni Drilon na hindi dapat maisantabi ang hustisya para sa mga biktima ng extrajudicial killings o EJKs dahil lamang sa teknikalidad.

Ayon kay Castro, nauunawaan nila ang punto ni Drilon ngunit kailangang nakaayon sa umiiral na batas ang bawat aksyon ng pamahalaan.

Giit pa ni Castro, hindi binabalewala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panawagan para sa hustisya.

Tiniyak din ng Malacañang na magiging mabilis at legal ang aksyon ng gobyerno sa usapin.

Facebook Comments