COURTESY: Philippine Air Force

Pormal nang tinanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang dalawa nitong Bell 412EPX Utility Helicopter sa ginanap na Blessing Ceremony sa Colonel Jesus Villamor Air Base sa Pasay City.

Ang nasabing dalawang aircraft na ito ay unang dumating sa bansa noong February 27 bilang unang batch ng delivery sa ilalim ng Additional Utility Helicopter Acquisition Project.

Kung saan kabilang rito ang pagbili sa 8 Bell 412EPX helicopters mula sa Bell Textron Inc., na inaasahang makukumpletong mai-deliver lahat pagsapit ng 2027.

Ito ay i-o-operate ng 205ᵗʰ Tactical Helicopter Wing at inaasahang magpapaigting sa tactical helilift at multi-mission operational capabilities ng PAF.

Pangunahing susuportahan ng nasabing aircraft ang troop transport para sa counter-insurgency at internal security operations, disaster relief at sa mga humanitarian assistance missions sa panahon ng kalamidad pati na rin sa medical evacuation at logistic supports sa mga liblib na lugar.

Sa karagdagang bagong helicopter na ito, nag-o-operate na ngayon ang PAF ng nasa kabuuang 16 Bell 412 helicopters na may layong palakasin ang pagsasagawa ng deployment at pagpapatuloy ng mga kritikal na operasyon sa buong bansa.

Facebook Comments