
Kasado na ngayong araw ang huling impeachment hearing ng House Committee on Justice para tukuyin kung may probable cause o batayan ang ikatlo at ikaapat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte para iakyat sa Senate Impeachment Court.
Ayon kay Committee Chairperson at Batangas Representative Gerville Luistro, tutukan ngayon sa hearing ang banta ni VP Duterte na ipapatay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Hinggil dito ay pinapaharap ng komite sa impeachment proceedings ngayon si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag at pinapasumite sa kanya ang resulta ng imbestigasyon sa nabanggit na assassination threat.
Ngayong araw rin pagpapasyahan ng komite kung bubuksan ang selyadong kahon mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na naglalaman ng income tax returns ni VP Sara at mister na si Atty. Manases Carpio.
Magugunitang sa nagdaang impeachment hearing ay sinabi ng BIR na batay sa National Internal Revenue Code ay maari lang talakayin ang tax information sa isang executive session.










