Ahente at Driver ng Sigarilyo, Naholdap ng Riding-in-tandem Criminals!

*Cauayan City, Isabela-* Tinutugis pa rin ng mga alagad ng batas ang riding-in-tandem criminals na nangholdap sa isang ahente ng sigarilyo habang nagreresibo sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Rodolfo Duay, 39 anyos, may asawa at residente ng San Luis, Pampanga kasama ang driver nito na si Norlito Felipe,55 anyos, may asawa at residente naman ng Brgy. Nappacu Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Duay, habang nagreresibo ang biktima sa may-ari ng isang tindahan matapos makapagdeliver ng sigarilyo ay bigla na lamang nagdeklara ng hold-up ang isa sa mga suspek na nasa lugar.


Nakuha mula sa biktima ang humigit kumulang sampung (10) libong piso at hindi pa nakuntento ang suspek ay binalak pang kunin ang laman ng volt na nasa likuran ng mini elf van na may plakang NCL8937.

Bigong nakuha ng suspek ang laman ng volt matapos itong pigilan ng biktima na pinaputukan pa ng baril subalit maswerteng nakaiwas ang biktima.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 4 na basyo ng di pa matukoy na kalibre ng baril.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek dahil naka-helmet ang mga ito nang mangyari ang insidente.

Facebook Comments