Alaska Aces, haharap sa matinding laban kontra San Miguel Beermen ng wala ang mga star players

Manila, Philippines – Matapos na matalo sa NLEX Road Warrios sa score na 100-92 noong Miyerkules, nahaharap ngayon sa mabigat na problema ang Alaska Aces sa magiging laban mamaya kontra San Miguel Beermen sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Sports Center.

Ayon kay Aces Coach Alex Compton, posibleng hindi makalaro ang tatlong nitong players na sina Calvin Abueva, Jvee Casio at Vic Manuel dahil sa iniinda nilang mga injury.

Dagdag pa ni Compton, posibleng malagay din sa alanganing pwesto ang kanilang koponan sa team standings sakaling matalo kung saan hawak nila ang ika-pitong pwesto na may 4-5 win/loss record.


Magka-ganoon pa man, pipilitin pa rin daw ng mga players ni Compton na manalo upang magpatuloy pa ang kanilang kampaniya sa kasalukuyang conference.

DZXL558

Facebook Comments